Home METRO 2 wildlife trader timbog sa magkahiwalay na entrapment ops

2 wildlife trader timbog sa magkahiwalay na entrapment ops

SHOOT sa kulungan ang dalawang lalaki na wildlife traders matapos masakote ng mga awtoridad makaraan magsagawa ang mga ito ng entrapment operation laban sa mga suspek sa Malabon City at lungsod ng Bulacan.

Kinilala ng mga awtoridad ang nadakip na suspek na sina Jayvee Gavino y Aquino, 33, wildlife trader, residente ng Sitio Bukot, Purok 5, Barangay Tambo Adorable, San Leonardo, Nueva Ecija at Reggie Gaudencio y Moloboco, 30, wildlife trader, residente ng Blk. 41, Lot. 10, Barangay Longos, Malabon City.

Ayon sa imbestigasyon ni PCpl Aldrin Sacopon, nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) sa pangunguna ni P/MAJ John Stephanie Gammad matapos na makatransaksyon ng mga awtoridad ang mga suspek sa pamamagitan ng Facebook at Messenger.

Matapos ang pakikipag-transaksyon sa mga suspek agad na bumuo ng team ang mga operatiba ng MARPSTA at pinuntahan ang mga suspek sa napag usapan na meeting place.

Sa ulat ng pulisya, unang nadakip ng mga operatiba ng MARPSTA si Gavino dakong alas-8:03 ng umaga sa 7/11 Convenience Store, Junction, Barangay Banga 1, Maharlika Highway, Plaridel Bulacan habang bandang alas-5:20 ng hapon ng madakip si Guadencio sa harap ng 7/11 Burger King, C4 Road, Barangay Longos, Malabon City.

Narekober kay Gavino ang isang maliit na Zesto cardboard box na naglalaman ng dalawang buhay na Hill Myna na nagkakahalaga ng P10,000, 10 pirasong P1000 peso bill boodle money at Oppo F7 android phone habang narekober kay Gaudencio ang isang Zesto cardboard box na naglalaman ng isang buhay na Green Cheek Conure na nagkakahalaga ng P4,000, 4 na pirasong P1000 peso bill boodle money at Oppo A16 cellphone.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong¬†Violation of Sec. 27, Trading of Wildlife Possession of Wild Life Species of RA 9147 “Wildlife Resources Conservation and Protection Act” in relation to Sec. 6 of RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012)

Ang mga narekober na wildlife species ay itinurn-over sa DENR-NCR/BMB upang mapangalagaan ng maayos ang mga ito. (R.A Marquez)

Previous article187K residente hagip ng baha, guho-lupa sa shear line
Next articlePlastic card para sa driver’s license paubos na ulit