Home NATIONWIDE 20% discount sa pre-employment documents pasado na sa Kamara

20% discount sa pre-employment documents pasado na sa Kamara

192
0

MANILA, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang panukalang nagsusulong na mabigyan ng 20 percent discount sa singil sa mga pre-employment documents.

Kabilang sa mabibigyan ng diskuwento ay ang sinisingil sa barangay, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, medical certificates mula sa government hospitals at medical facilities na nasa ilalim ng Department of Health, certificates of birth at marriage mula sa Philippine Statistics Authority, national certificate at certificate of competency mula sa Technical Education and Skills Development Authority, certificate of civil service eligibility at iba pang government-issued documentary requirements.

Ang diskuwento ay mabibigay naman sa mga naghahanap ng trabaho na nabibilang sa indigent sector, kung sino ang masasabing indigent ay tutukuyin naman ng Inter-Agency Coordinating and Monitoring Committee.

Bukod sa diskuwento ay nakapaloob sa batas na libre o walang babayaran sa pagkuha ng tax identification number (TIN), transcript of records (ToR), transfer credentials at authenticated copy ng diplomas at certificates of good moral character mula sa mga unibersidad.

Advertisement

Sinabi ni 1Pacman Partylist Rep Mikee Romero na ang 20 percent discount ay malaking tulong para sa mga kapos nating kababayan, aniya, isa itong hakbang para tulungan ang mga naghahanap ng trabaho na mapadali ang kanilang paghahanap ng mapapasukan at hindi magiging hadlang ang mga bayarin para sa requirements.

Sa oras na maisabatas, ang PSA ang mangangasiwa sa pag-validate ng listahan ng Department of Social Welfare and Development, ang mga jobseeker na nasa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay awtomatikong kuwalipikado sa benepisyo. Gail Mendoza

Previous articleHomework ban sa weekends, isinusulong
Next articleNegosyo ni Matet, lumalago, nag-branch out na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here