Home METRO 20 extortionist sa mga banyagang may malalaswang larawan, kalaboso

20 extortionist sa mga banyagang may malalaswang larawan, kalaboso

Bulacan – Arestado ang 20 indibidwal na umano’y nambibiktima at nangingikil sa mga banyagang may malalaswang larawan sa operasyon ng mga awtoridad sa lungsod ng Malolos.

Kinilala ang naarestong suspek na si Joselito Buenavista, 28, may-asawa, residente ng Sagrada, Familia, Hagonoy at 19 pang indibidwal na kasabwat.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng Provincial Intelligence Unit katuwang ang PIT Bulacan West RIU 3, RACU 3 at Malolos Police station bandang 10:00 ng gabi nitong Enero 25 sa Brgy. Pinagbakahan ng naturang lungsod.

Nabatid na nahuli sa akto ang mga suspek sa harap ng mga computer set na nananakot at nangingikil sa mga dayuhan kapalit ang hindi pagpapakalat ng kanilang mga malalaswang larawan at bidyo.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa section 4 (c) (1) ng RA 10175 habang nakakulong sa naturang yunit. Dick Mirasol III

Previous articleConstitutional crisis, unti-unting nangyayari sanhi ng peoples initiative – Zubiri
Next articleStar dancer ng Alice in Wonderland, todas sa mani