Home NATIONWIDE 200 pamilya inilikas sa Surigao del Sur sa bagyong Kabayan

200 pamilya inilikas sa Surigao del Sur sa bagyong Kabayan

MANILA, Philippines – Nasa 200 pamilya sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur ang inilikas dahil sa Tropical Depression Kabayan.

Ayon sa ulat, ilang mga tirahan ang binaha at nasira naman ang maraming taniman dahil sa malalakas na ulan dulot ng sama ng panahon.

Nakaranas ng malalakas na hangin at ulan ang naturang bayan, na nagrerekober pa lamang mula sa matinding epekto ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Hinatuan noong Disyembre 4.

Kasabay naman sa sinagip ng Bureau of Fire Protection ang ilang senior citizens sa Sitio Libtong na na-trap sa hanggang tuhod na baha.

Pagsapit ng gabi ng Lunes ay bumuti na ang lagay ng panahon sa nasabing probinsya, ngunit ibinabala pa rin ng PAGASA ang posibilidad ng landslide at flashfloods sa serye ng malalakas na pag-ulan. RNT/JGC

Previous articleRodriguez kay Zubiri: Konstitusyon ‘di mapapalitan ng batas
Next articleCanada, Japan kailangan ng Pinoy skilled workers