Home HOME BANNER STORY 200K sako ng ng ismagel na bigas nasabat ng BOC

200K sako ng ng ismagel na bigas nasabat ng BOC

MANILA, Philippines- Mahigit 200,000 sako ng mga ismagel na bigas ang kinumpiska na ng Bureau of Customs (BOC) noong Linggo, Oktubre 1, 2023, makaraang hindi makapagpakita ng kaukulang dokumento ang may-ari ng apat na bodega na iniimbakan ng mga ito sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa BOC, nasa kabuuang 236,571 sako ng mga smuggled rice ang kanilang kinumpiska kung saan sinabi nila na hinihintay nila ang mga komento ng government prosecutor hinggil sa isinagawang pagkumpiska, ay binanggit din nila na ang mga kinakailangang warrant ay naibigay na sa mga taong sangkot dito.

Noong Biyernes, nagsampa ng apat na kaso ng smuggling ang BOC Bureau Action Team Against Smuggling (BATAS) sa Department of Justice (DOJ) laban sa rice smugglers sa Bulacan.

Sinabi ni Atty. William Balayo, acting director ng legal service ng BOC, nagsampa sila ng tatlong kaso ng economic sabotage laban sa tatlong importer, at isang kaso dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) sa ilalim ng Agricultural Product Smuggling.

Nabatid na nag-ugat ang pagsasampa ng kaso sa isinagawang inspeksyon na sinimulan ng BOC sa Bulacan noong Agosto 24.

Samantala, sinabi ng ahensya na nagbigay din sila ng letter of authority sa mga bodega sa Cavite at Las Piñas City, at dalawa pa sa Maynila.

Hinihintay ng BOC na isumite ng mga may-ari ng dalawang warehouse sa Cavite at Las Piñas City ang mga kinakailangang dokumento, habang patuloy pa rin ang imbentaryo para sa iba pang warehouse sa Maynila.

Kaugnay nito, mahigit 42,000 sako ng smuggled rice ang nakumpiska din ng BOC sa Zamboanga City. Ang mga ito ay kalaunan ay naibigay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos mabigo ang mga importer na magpakita ng mga dokumento para mapatunayan ang legalidad ng kanilang importasyon.

Sinabi ng BOC na ang mga donasyong bigas ay ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD sa pangunguna mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Tungawan, Zamboanga Sibugay; San Roque, Zamboanga City; General Trias City, Cavite; Iriga City, Camarines Sur; San Andres, Maynila; Dapa, Surigao del Norte; at Dinagat Islands. JAY Reyes

Previous articlePartial lunar eclipse, meteor showers masasaksihan ngayong Oktubre
Next articleIG ni Gretchen, ‘di na makita!