MANILA, Philippines – MULING nagpahayag ng suporta ang European Union (EU) at 16 iba pang bansa sa 2016 Arbitral Ruling na nagpawalang-bisa sa pag-angkin ng China sa resource-rich South China Sea.
Sa isang kalatas, hinakayat ng EU Delegation sa Maynila at mga embahada ng Belgium, Czechia, Denmark, Germany, Ireland, Greece, Spain, France, Italy, Netherlands, Poland, Austria, Romania, Slovakia, Finland at Sweden ang mga partido na tingnan ang desisyon bilang “potential basis” para sa mapayapang resolusyon sa hindi pagkakaunawaan sa sea lane.
“The Award of the Arbitral Tribunal is a significant milestone, which is legally binding upon the parties to those proceedings, and a useful basis for peacefully resolving disputes between the parties,” ayon sa kalatas.
“The EU reiterates the fundamental importance of upholding the freedoms, rights and duties established in UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea), in particular the freedoms of navigation and overflight,” nakasaad pa rin sa kalatas.
Matatandaang, nagpalabas ang Permanent Court of Arbitration (PCA) ng desisyon nito noong Hulyo 12, 2016 at napagpasyahan na ang ginawang pag-angkin ng China sa historic rights sa resources sa loob ng tinatawag na nine-dash line ay walang basehan sa batas.
“The decision, which upheld the Philippines’ sovereign rights and jurisdiction in its exclusive economic zone (EEZ), serves as the “twin anchors” of Manila’s policy and actions over the West Philippine Sea, which is the official designation by the government to the parts of the South China Sea that are included in the country’s EEZ,” ayon sa ulat.
Samantala, muli namang pinagtibay ng EU ang commitment nito na “to secure, free and open maritime supply routes in the Indo-Pacific, “in full compliance with international law, as reflected in UNCLOS, in the interest of all”.
Idagdag pa rito, suportado ng EU ang mabilis na konklusyon ng pag-uusap sa epektibong Code of Conduct sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations at China at ipinanawagan na maging fully compatible sa UNCLOS habang ginagalang ang karapatan ng pangatlong partido. Kris Jose