Home NATIONWIDE 2023 revenue collection ng BOC lampas sa target

2023 revenue collection ng BOC lampas sa target

MANILA, Philippines- Nalampasan ng Bureau of Customs (BOC) ang revenue collection target nito noong 2023 ng mahigit ₱9 bilyon, ayon sa ahensya nitong Lunes.

Mula January 2023, nakakolekta ito ng kabuuang ₱883.624 bilyon, halos ₱9.459 bilyon o mas mataas ng 1.08% kumpara sa target nitong ₱874.166 bilyon para sa nasabing taon.

Kumakatawan ang kita ng BOC sa taong 2023 sa 2.46% increase o halos ₱21.205 bilyon kumpara sa 2022 income na ₱862.419 bilyon.

Sa halagang ito, ₱164.503 milyon ang nanggaling sa pagbebenta ng nasabat na produkto sa public auctions sa buong 2023, base sa BOC.

Samantala, inihayag ng BOC na nakapaghain ito ng 90 criminal cases sa Department of Justice noong 2023. Anito, 60 sa mga ito ang may kaugnayan sa agricultural smuggling at sa mga ito, 56 ang large-scale cases.

Nasamsam din nito ang ₱43.295 bilyong halaga ng smuggled commodities sa kabuuan ng taon. RNT/SA

Previous article‘Bribed initiative’ sa Charter Change, pinaiimbestigahan ni Pimentel
Next article2 nasita sa paglabag sa ordinansa timbog sa baril