Home NATIONWIDE 2023 trips ni PBBM nakapagdala ng P300B investments sa bansa – DTI

2023 trips ni PBBM nakapagdala ng P300B investments sa bansa – DTI

MANILA, Philippines – Nakapagdala ng $5.28 billion o P294 billion halaga ng investments ang presidential at state visits ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong taon, sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon sa Presidential Communications Office, sinabi ni DTI Board of Investments (BOI) Undersecretary Ceferino Rodolfo na ang foreign trips ni PBBM ay nakapagdala ng $4.089 billion (P227.72 billion) investments para sa walong proyekto, $790.58 million (P44.02 billion) sa 11 proyekto; at $398.17 million (P22.17 billion) sa siyam na proyekto, hanggang noong Disyembre 21.

Ipinunto ni Rodolfo na naisulong bilang proyekto ang mga nakuhang investment pledges ni Marcos sa kanyang foreign trips, at nairehistro na sa investment promotion agencies katulad ng BOI at Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

“Some of these projects have short gestation periods and are already fully-operational and are already employing full-time Filipinos, producing goods or delivering services; and some are already setting up or expanding their facilities – but are nevertheless already employing Filipinos as they already have set-up or expanded their offices and physical presence in the Philippines,” ayon sa DTI official.

Umabot naman sa P4.019 trillion o US$72.178 billion ang consolidated at processed investments sa foreign trips ng Pangulo.

Nauna nang sinabi ni Marcos na dapat nang asahan ng publiko ang return on investments sa kanyang mga biyahe. RNT/JGC

Previous articleAirport employee arestado sa pag-eskort sa 3 biktima ng human trafficking sa NAIA
Next articlePaslit patay matapos mabangga ng ambulansya