Ito ay makaraang ideklara na hindi na isang holiday sa susunod na taon ang Edsa People Power Anniversary na ginugunita ng bansa tuwing Pebrero 25.
Batay ito sa Proclamation No. 368 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes, Oktubre 13.
Ang Proclamation No. 368 ay pimrado ni Marcos noong Oktubre 11 na naglalahad ng mga official national holiday sa susunod na taon, kabilang ang non-working days at special non-working days.
Kabilang sa mga holiday ay ang Chinese New Year (Pebrero 10), Black Saturday (Marso 10), All Souls’ Day (Nobyembre 2), Feast of the Immaculate Conception of Mary (Disyembre 8), Christmas Eve (Disyembre 24), at maging ang death anniversary ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aguino Jr. (Agosto 21).
Sa mga nakalipas na taon, ang EDSA People Power Anniversary ay itinuturing na “special non-working holiday.”
Walang paliwanag ang Palasyo sa kabila ng pagtatanong ng mga mamamahayag. RNT/JGC