Home HOME BANNER STORY 2024 national budget isasabatas bago Pasko – PBBM

2024 national budget isasabatas bago Pasko – PBBM

MANILA, Philippines – Kahit wala pa sa lamesa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naratipikahang Bicameral Conference Committee Report sa panukalang 2024 national budget, ay target niya naman itong mapirmahan bago ang araw ng Kapaskuhan.

“Magugulat ako kung may iba pang mga isyu na biglang lalabas na hindi natin na-anticipate o hindi naresolba. I don’t see any problem to that,” ani Marcos.

“Dapat tanungin mo talaga ang bicam kung ano ang schedule nila. Pero oo, I think we’re good for Christmas,” paglilinaw naman ng Pangulo.

Noong Lunes, magkahiwalay na niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report na pinagkasundo ang pagkakaiba ng kani-kanilang bersyon ng 2024 national budget na nagkakahalaga ng P5.768 trilyon.

Ang ratipikasyon ng ulat ng bicameral conference committee ay tinatapos ang 2024 na badyet sa antas ng lehislatura.

OK na sa Kongreso ang P5.768-trillion 2024 national budget
Sinang-ayunan ng bicameral panel ang desisyon ng Kamara na tanggalin ang confidential funds ng opisina ni Vice President Sara Duterte at ng Department of Education.

Ipinaliwanag ni Senate Finance Committee Chair Sonny Angara na walang pagbabago sa ginawang pagsasaayos ng Kamara sa confidential funds na nauna nang inilipat ang mga pondong iyon sa mga security agencies.

Parehong kinumpirma nina Angara at House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co na walang restoration ng kontrobersyal na confidential funds. RNT

Previous articleBagong Marina chief itinalaga
Next article‘Transport crisis’ sa 2024 sinopla ng DOTr