Home NATIONWIDE 2024 national budget pipirmahan na ni PBBM ngayong linggo

2024 national budget pipirmahan na ni PBBM ngayong linggo

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG tintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na  batas ngayong linggo ang  P5.76-trillion 2024 national budget.

“It’s ready for [signing], I think, [on] Wednesday. Wednesday na ata ‘yung signing po,” ayon kay Speaker Martin Romualdez sa mga mamamahayag sa Tokyo, araw ng Lunes, Disyembre 18.

Tinanong kasi si Romualdez ng mga mamamahayag kung kailan lalagdaan ng Pangulo ang national budget.

Idinagdag pa nito na nais sana ni Pangulong Marcos na lagdaan ang  national budget upang maging ganap na batas bago pa lumipad patungong  Japan.

Sa kabilang dako, nilinaw naman ni Romualdez na nananatiling mayroong ilang printing requirements ang kailangan bago pa lagdaan ng Pangulo ang  national outlay document. Kris Jose

Previous article7K tauhan ipakakalat ng MPD sa Traslacion
Next articleReciprocal Access Agreement, mapakikinabangan ng Pinas, Japan