Home HOME BANNER STORY 2024 national budget titintahan ni PBBM sa Dis. 20 – Zubiri

2024 national budget titintahan ni PBBM sa Dis. 20 – Zubiri

MANILA, Philippines – Pipirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang P5.768 trilyon 2024 national budget sa Disyembre 20, ani Senate President Juan Miguel Zubiri.

“Opo, December 20 po ang pirmahan ng ating national budget,” ani Zubiri nang tanungin sa panayam sa DWIZ 882 nitong Sabado, Disyembre 16.

Sinabi ni Zubiri na kung hindi siya nagkakamali, ang pagpirma ay sa umaga, na binanggit na ang pangulo ay nasa Japan pa hanggang Disyembre 18, at kailangang magpahinga sa susunod na araw.

“December 20 po ang ating pirmahan ng budget, that’s for sure,” he asserted.

Sinabi rin ni Zubiri na umaasa siyang hindi ibe-veto ni Marcos ang mga item sa budget, kabilang ang tumaas na unprogrammed funds, na tinutulan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel.

Ang proposed national budget para sa susunod na taon ay P5.768 trilyon, kung saan dagdag pa ng Senate President na naisumite na nila ito sa Office of the President.

“I’m sure nago-overtime po yung legal ng Malacañang na tignan yung mga items—kung may ivi-veto sila. But so far, ang feedback ng DBM (Department of Budget and Management), okay naman” aniya pa. RNT

Previous articleBagyong Kabayan humina pero signal no. 1 nakataas pa rin sa 16 lugar
Next articleAlex G proud na retokada!