Home HOME BANNER STORY 2024 nat’l budget target maaprubahan ng Senado sa susunod na linggo –...

2024 nat’l budget target maaprubahan ng Senado sa susunod na linggo – Angara

MANILA, Philippines – Layon ng Senado na maaprubahan ang P5.768 trilyon na national budget para sa 2024 sa susunod na linggo, sinabi ni Senador Sonny Angara nitong Lunes, Nobyembre 20.

Ani Angara, chairman ng Committee on Finance, nakatakdang ipasa ng mga senador ang kani-kanilang proposed amendments sa General Appropriations Bill (GAB) ngayong linggo.

“I think the approval on second and third reading, most likely next week, Monday na,” pagbabahagi ng senador.

Bilang sinertipikahan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent, ang GAB ay posibleng sumailalim sa ikalawa at huling pagbasa sa magkaparehong araw.

Nangako naman si Senate President Juan Miguel Zubiri na ipapasa ang pinal na bersyon ng proposed budget sa Palasyo sa una o ikalawang linggo ng Disyembre.

Nagsimula ang Senado sa deliberasyon ng budget noong unang linggo ng Nobyembre na mahigpit na binubusisi ang mga alokasyon kabilang na ang kontrobersyal na
confidential at intelligence funds ng ilang ahensya. RNT/JGC

Previous articleGive the Gift of Prestiz This Holiday Season!
Next articleKim, may patama kay Xian?