Home NATIONWIDE 2024 Shari’ah Bar Exams inilipat ng iskedyul, gagawin sa Abril at Mayo

2024 Shari’ah Bar Exams inilipat ng iskedyul, gagawin sa Abril at Mayo

MANILA, Philippines – Nagdesisyon ang Supreme Court na ilipat ang schedule ng 2024 Shari’ah Bar Examinations.

Sa Bar Bulletin number 3 ni Shariah Bar Exams Chairperson Filomena Singh, itinakda sa Abril 28, 2024 at May 2, 2024 ang pagsusulit.

Bahagi ito ng paggalang ng SC sa cultural observance o ang paggunita ng mga Muslim sa buwan ng Ramadhan.

“In anticipation of the holy month of Ramadhan and to allow the prospective examinees additional time to review and to prepare the application requirements outlined in this Bar Bulletin, the 2024 Shari’ah Bar Examinations (2024 SBE) have been rescheduled to take place on April 28, 2024 (Sunday) and May 2, 2024 (Thursday).”

Una nang itinakda ang Shariah Bar sa Pebrero.

Ayon kay Singh, ang mga aplikante ay kailangan nang asikasuhin ang kanilang application form mula January 29 hanggang March 18 sa pamamagitan ng Bar Applicant Registration Information System and Tech Assistance (BARISTA).

Habang ang hard copy at iba pang dokumento ay kailangan isumite sa Office of the Bar Confidant bago mag-Mayo 10.

Ang Shari’ah Bar Examinations ay idinaraos upang bigyan pagkakataon ang mga Muslim professionals na makapagtrabaho sa Shari’ah Courts sa Pilpinas salig sa Presidential Decree (PD) 1083, o Code of Muslim Personal Laws of the Philippines. Teresa Tavares

Previous article8 dam sa Luzon mababa na sa normal na lebel ng tubig – PAGASA
Next article38% ng mga Filipino, umaasa sa pagbuti ng ekonomiya sa susunod na 6 buwan – OCTA