MANILA, Philippines – AABOT sa may kabuuang 205 katao ang naaresto ng mga awtoridad sa pinaigting na linggong anti-illegal drugs at anti-criminality operations sa Quezon City mula Setyembre 15 hanggang 21.
Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) chief Brig. Gen. Redrico Maranan na kabilang sa bilang ang 18 drug users at 30 drug pushers na nakakuha ng kabuuang P1.9 milyong halaga ng ilegal na droga sa 32 operasyon.
Ayon sa pulisya, sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
Samantala, na-round up din ng QCPD ang kabuuang 86 na wanted na tao sa lungsod — 31 sa kanila ay nakalista bilang top most wanted persons at 55 ang na-tag bilang iba pang wanted persons.
Kaugnay nito, may kabuuang 71 mga suspek sa iligal na sugal din ang nahuli sa 27 operasyon na nagbunga ng P10,459 na halaga ng bet money.
“Ang tagumpay natin sa ating kampanya laban sa kriminalidad ay maituturing ding tagumpay para sa taumbayan. Patuloy tayong magpapatupad ng Enhanced Police Presence at tatlong minutong pagtugon para sa ligtas na Quezon City,” ani Maranan. Santi Celario