Home HEALTH 208 dagdag-kaso; 11 pa patay sa COVID

208 dagdag-kaso; 11 pa patay sa COVID

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles ng pagtaas ng COVID-19 daily tally sa dagdag na 208 na bagong kaso. Ang mga aktibong impeksyon ay umakyat din sa 9,282 mula sa 9,268.

Ang mga bagong impeksyon ay nagdala ng nationwide caseload sa 4,074,095.

Sa nakalipas na dalawang linggo, naitala ng National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na bilang ng mga kaso na may 605, sinundan ng Calabarzon na may 256, Davao Region na may 165, Western Visayas na may 136, at Central Luzon na may 130.

Sinabi ng DOH na tumaas ang recovery tally sa 3,998,927 habang ang death tally ay umabot sa 65,886 na may 11 bagong nasawi.

Samantala, hindi bababa sa 4,773 na kama ang okupado, habang 20,899 ang bakante dahil tumaas ang bed occupancy sa bansa sa 18.6% noong Lunes, Pebrero 6.

May kabuuang 10,646 na indibidwal ang nasuri, habang 325 na testing lab ang nagsumite ng data noong Martes, Pebrero 7. RNT

Previous articleSnatching-in tandem nadakma ng 2 traffic enforcer
Next articleSibuyas Queen ginisa sa Kamara