MANILA, Philippines – Naitala ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado ang 2,080 bagong kaso ng COVID-19, habang bumaba naman ang aktibong bilang sa 16,503.
Batay sa pinakabagong datos ng DOH, ang kabuuang bilang ng mga kaso sa buong bansa ay umabot sa 4,125,716, samantalang ang aktibong bilang ay bumaba sa 16,503 mula sa 16,577 noong Biyernes.
Samantala, umakyat naman ang bilang ng mga gumaling sa 4,042,747, habang ang bilang ng mga namatay ay umabot sa 66,466 matapos ang 13 karagdagang pagkamatay.
Ang mga rehiyong may pinakamaraming kaso sa nakaraang dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 10,006, sinundan ng Calabarzon na may 5,607, Central Luzon na may 1,912, Western Visayas na may 1,401, at Bicol Region na may 900.
Samantala, bahagya namang tumaas ang bilang ng mga occupied na kama sa buong bansa na umabot sa 21.5%, kung saan may 5,430 na kama na naka-occupy at mayroong 19,884 na bakante as of Thursday.
Sa kabuuan, 7,693 na indibidwal ang sumailalim sa testing, habang 311 testing labs ang nagsumite ng datos, dagdag pa ng DOH. RNT