Home NATIONWIDE 20K outbound, inbound passengers na-monitor sa mga pantalan

20K outbound, inbound passengers na-monitor sa mga pantalan

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 10,582 outbound passengers at 10,600 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong bansa para sa kanilang OPLAN BIYAHENG AYOS: PASKO 2023.

Nagpakalat din ang PCG ng 630 frontline personnel sa 15 PCG Districts.

Bukod dito, nag-inspeksyon  ang pwersa ng coast guard sa 84 vessels at 50 motorbancas.

Nanatiling naka-heightened alert ang lahat ng PCG districts, stations, at sub-stations simula pa noong Disyembre 15 hanggang Enero 3,2024 para mapamahalaan ang dagsa ng mga pasahero sa pantalan.

Maari namang makipag-ugnayan ang publiko sa PCG hinggil sa anumang tanong o paglilinaw sa pamamagitan ng kanilang official facebook page at kanilang numero na 0927-560-7729. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDOH: Biktima ng paputok sumampa sa 52
Next articleSari-saring paputok nakumpiska sa Divisoria