
MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Pope Francis nitong Linggo na kanyang itataas ng ranggong cardinal ang 21 churchmen na magmamarka sa grupo na balang araw pipili ng kanyang kahalili pagkatapos ng kanyang pagbibitiw o sa oras na pumanaw siya.
Ang seremonya ng pagluklok sa kanila na kilala bilang consistory, ay gaganapin sa Setyembre 30, inihayag ng 86-anyos na si Francis sa kanyang noon prayer sa mga peregrino at turista sa St. Peter’s Square.
Labing-walo sa mga churchmen ay wala pang 80 taong gulang at maaaring pumasok sa isang conclave upang pumili ng susunod na papa. Ang tatlo pa, na higit sa 80-anyos at masyadong matanda para bumoto sa isang conclave, ay pinangalanan upang pasalamatan sila sa kanilang mahabang paglilingkod sa Simbahan.
Ang bagong Cardinal Electors na 80 pababa ay sina:
-
Archbishop Robert Prevost, American, Vatican official, head ng Dicastery for Bishops
-
Archbishop Claudio Gugerotti, Italian, Vatican official, head ng Dicastery for the Eastern Churches
-
Archbishop Víctor Fernández, Argentine, Vatican official, head ng Dicastery for the Doctrine of the Faith
-
Archbishop Emil Tscherrig, Swiss, Vatican ambassador to Italy
-
Archbishop Christophe Pierre, French, Vatican ambassador to the United States
-
Archbishop Pierbattista Pizzaballa, Italian, Latin Patriarch of Jerusalem
-
Archbishop Stephen Brislin, South African, Archbishop of Cape Town
-
Archbishop Ángel Rossi, Argentine, Archbishop of Córdoba
-
Archbishop Luis Aparicio, Colombian, Archbishop of Bogotá
-
Archbishop Grzegorz Rys, Polish, Archbishop of Lodz
-
Archbishop Stephen Mulla, Sudanese, Archbishop of Juba, South Sudan
-
Archbishop José Cano, Spanish, Archbishop of Madrid
-
Archbishop Protase Rugambwa, Tanzanian, Archbishop of Tabora
-
Bishop Sebastian Francis, Malaysian, Bishop of Penang
-
Bishop Stephen Chow Sau-Yan, Bishop of Hong Kong
-
Archbishop François-Xavier Bustillo, Spanish-French, Bishop of Ajaccio, Corsica
-
Bishop Américo Alves Aguiar, Portuguese, Auxiliary Bishop of Lisbon
-
Father Ángel Fernández Artime, Spanish, head of the Salesian order
Higit sa 80 at hindi na pasok sa conclave:
-
Archbishop Agostino Marchetto, Italian, dating Vatican diplomat
-
Archbishop Diego Padrón Sánchez, Venezuelan, Archbishop Emeritus of Cumaná
-
Father Luis Dri, Argentine priest