Home SPORTS 21-players ng Gilas Pilipinas na isasabak sa FIBA World Cup, inilabas na

21-players ng Gilas Pilipinas na isasabak sa FIBA World Cup, inilabas na

MANILA, Philippines -Pormal nang inilabas ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang 21-man pool na kanilang pagpipilian para maglaro sa Gilas Pilipinas na isasabak sa FIBA World Cup.

Makikitang nangunguna sa listahan sina Filipino-American guard Jordan Clarkson,  naturalized players na sina Justin Brownlee at Ange Kouame sa 21-man pool ng Gilas Pilipinas na siyang sasabak sa FIBA World Cup 2023.

Inilabas ng SBP ang listahan kasabay ng paghahanda ng national basketball team para sa nasabing torneo.

Nasa listahan din ang 7 foot 3 na si Kai Sotto at mga PBA players.

Kasama rin sa inilabas na pagpipilian ang mga Japan B- League players na sina Dwight Ramos, Kiefer Ravena, Jordan Heading, Thirdy Ravena, Carl Tamayo at Ray Parks Jr.

Bukod dito, kasama rin sina PBA veterans CJ Perez, Chris Newsome, Roger Pogoy, Scottie Thompson, Jamie Malonzo, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Poy Erram at Calvin Oftana.JC

Previous articleLTFRB walang kapangyarihang manghuli, mang-impound ng kolorum na sasakyan
Next articlePolice major, local gov’t official person of interest sa pagpatay sa OrMin brodcaster

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here