LAL-LO, CAGAYAN-Halos sabay-sabay na sumuko sa tropa ng pamahalaan ang dalawamput isa (21) miyembro ng New People’s Army o NPA kabilang ang dalawang mataas na opisyal ng East Front ng Komiteng Probinsiya na ginanap sa Sub-Provincial Capitol, Bangag, Lal-lo dito sa nasabing lalawigan.
Iprinisenta sa publiko bilang patunay ay nanumpa ang mga ito ng kanilang “Oath of Allegiance”.
Sa mensahe ng isang dating NPA Commander ng East Front ng Komiteng Probinsya ng Cagayan na si Michael Cedric Casano, PUP Student na ang kanilang karangalan ay ibinibigay nila sa tropa ng AFP, PNP at NTF-ELCAC.
Ang pagsuko ay resulta ng tuloy-tuloy na ginagawang mga programa ng NTF-ELCAC laban sa mga terorista.
Ibinahagi rin ng mga dating rebelde sa kanilang pagsuko ay hindi sila nakaranas ng karahasan o pagmamalupit mula sa kamay ng mga kasundaluhan.
Kabilang din sa sumuko ang isa pang opisyal na si Patricia Nicole Cierva na dating Political Guide at Secretary ng kilusan.
Ang iba pang sumukong rebelde ay galing naman sa bayan ng Baggao at Allacapan sa Cagayan.
Iprinisinta rin sa publiko ang mga matataas na kalibre ng baril na isinuko ng mga dating rebelde katulad ng M16 rifle.
Nananawagan ang otoridad sa mga natitira pang kasapi ng NPA na magbalik-loob na sa gobyerno at hinamon din nito ang mga ahensya ng pamahalaan na mabigyan din ng tugon ang ginawang pagsuko ng mga dating terorista. Rey Velasco