Home NATIONWIDE 2,133 pasado sa Aug. 2023 licensure examination para sa mechanical engineers

2,133 pasado sa Aug. 2023 licensure examination para sa mechanical engineers

305
0

MANILA, Philippines- Nakapasa sa August 2023 licensure examination para sa mechanical engineers ang 2,133 mula sa 4,237 na kumuha ng pagsusulit.

Sa average na 94.60 porsyento, nanguna si Roy Christian Pasco Oro sa mechanical engineering board exam results na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) noong Agosto 10.

Nasa ikalawang pwesto sina Rowill Christian Rodriguez Rempillo ng University of the Philippines Diliman, habang nasa ikatlong puwesto sina John Kenneth Alorro Enerio mula sa Mapua Malayan Colleges Mindanao at Ivan Jeuz Noriega Paring mula sa Unibersidad ng Batangas.

Pinangasiwaan ang nasabing pagsusulit ng Board of Mechanical Engineering na pinamumunuan ng chairman nitong si Leandro A. Conti, at ng mga miyembrong sina Jerico T. Borja at Lorenzo P. Larion.

Sinabi ng PRC na ang mga pumasa ay maaaring magparehistro online para sa kanilang Professional Identification Card at Certificate of Registration sa Okt. 2 hanggang 6, Okt. 9 hanggang 13, at Okt. 16 hanggang 17.

Maaaring tingnan ng mga pumasa ang mga tagubilin para sa pagpaparehistro sa prc.gov.ph.

Bukod dito, ang mga kinakailangan para sa pagpaparehistro ay kinabibilangan ng na-download na duly accomplished oath form o “Panunumpa ng Propesyonal,” notice of admission, dalawang piraso ng passport-sized na mga larawan (colored na may puting background at kumpletong name tag), dalawang set ng documentary stamps, at isang maikling brown envelop.

Sinabi ng PRC na ang petsa at venue ng sertipikadong plant mechanic inductees oathtaking ay iaanunsyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleExemption ng OFWs sa CPD program, hirit ni Lapid sa Senado
Next articlePinas dumausdos sa ikatlong pwesto sa coconut production; target makapagtanim ng 100M puno

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here