Home METRO 21K litro ng puslit na diesel fuel nasabat ng BOC

21K litro ng puslit na diesel fuel nasabat ng BOC

258
0

MANILA, Philippines- Inisyuhan ng Bureau of Customs (BOC) ng warrant of seizure and detention laban sa isang trak na may kargang 21,000 litro ng unmarked at smuggled blended diesel fuel kamakailan na natagpuan sa Maynila.

Ayon kay Customs Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy, ang warrant ay inilabas noong Agosto 4, matapos ang trak na may dalang pinaghalong diesel fuel na pag-aari ng V-Fuel Gasoline Station ay nabigo sa parehong field at confirmatory fuel marking tests.

Si Uy, na naglabas ng Mission Order (MO) noong Hulyo 8 kay Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) chief Alvin Enciso, ay nagbigay ng detalye sa kasong isasampa laban sa may-ari.

“Napag-alaman namin na may lorry truck sa Vitas, Tondo, Manila, kaya pina-check namin. Ininspeksyon ito ng aming mga ahente at nakita ang walang markang gasolina. Dinala nila sa Port of Manila for safekeeping,” ani Uy.

Nabatid sa BOC na nagsagawa ng pagsusuri sa unang tatlong compartment na may 16,000 litro ng walang markang gasolina noong Hulyo 10 at 12, pati na rin ang ikaapat na kompartamento na may 5,000 litro noong Hulyo 19, lahat ay nagpakita ng mga nabigong resulta.

“Our economy, the global economy, in fact depends on the proper regulation of fuel. Smuggling of unmarked fuel into the country jeopardizes the health of the economy,” ani Uy.

Sinabi ni CIIS Director Verne Enciso na hindi nagbabayad ng buwis at duties ang may-ari ng gasolina, na labag sa Republic Act 10963 at Customs Memorandum Order (CMO) 43-2019, o ang “Implementing the Fuel Marking Program.” JAY Reyes

Previous articlePBBM bukas pa rin sa nuclear energy
Next articleOFWs sa Myanmar maaari nang magbakasyon sa Pinas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here