Home METRO 22 estudyante sugatan sa bumaliktad na kuliglig

22 estudyante sugatan sa bumaliktad na kuliglig

SAN PABLO, Isabela – Kasalukuyan pa rin nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang 22 estudyante matapos na bumaliktad ang kanilang sinasakyang kuliglig sa Brgy. Annanuman, San Pablo, Isabela.

Pauwi ngayong tanghali, Pebrero 27 mula sa kanilang eskwelahan nang bumaliktad ang kanilang sinasakyan kasama ang tsuper na nilalapatan ng lunas sa isang hospital.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang dahilan ng pagbaliktad ng sinasakyan kuliglig ng mga biktima. Rey Velasco

Previous articleP714K shabu, baril nasamsam sa 5 suspek sa Cavite
Next articleHinihinalang onion smuggling iniimbestigahan ng BPI