Home NATIONWIDE 223 bagong DND-AFP appointees isinapubliko ng Malakanyang

223 bagong DND-AFP appointees isinapubliko ng Malakanyang

262
0

MANILA, Philippines – ISINAPUBLIKO ng Malakanyang ang 223 military personnel at reservists na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Binubuo ito ng iba’t ibang units ng Department of National Defense-Armed Forces of the Philippines (DND-AFP).

Sa listahang ipinalabas at nakapaskil sa Facebook page ng Presidential Communications Office (PCO), itinalaga ng Pangulo sina reservists Lt. Col. Josenilo Reoma (Res), Major Gene Carl Tupas (Res), at Capt. Sunshine Charry Fajarda (Res) sa Judge Advocate General Service (JAGS); Capt. Clarice Jenn Sanchez (Res), Capt. Michaele Conchita Zapanta (Res), Second Lt. Mary Jane Baet (Res), at Second Lt. Sharmaine Narte (Res) sa Medical Corps (MC).

Ang JAGS ay isang reservist unit ng AFP na tumutugon sa legal requirements ng military habang ang MC ay may tungkulin na magbigay ng health care services sa mga military personnel at kanilang eligible beneficiaries.

Itinalaga rin ng Pangulo sina Capt. Roberto Nell Jone M. Astudillo III (Res) at Capt. Sunny Quejada (Res) sa Chaplain Service (CHS); Second Lt. Ma. Lourdes Mana at Second Lt. Sheila Peji sa Nurse Corps (NC); at Capt. Marwin Manaloto (Res) sa Corps of Professor (PROF).

Ang CHS ay itinatag para magbigay ng ministry sa mga sundalo at pamilya nito; ang NC naman ay tagapagbigay ng nursing care services sa lahat ng military personnel, kanilang dependents at sa mga awtorisadong sibilyan; habang ang PROF ay nagsisilbi naman bilang “core” ng professional military educators sa AFP.

Itinalaga naman ng Pangulo sina Second Lts. Amor Theresa Atos, Nhico Dalangin, Danna Madrona, Mary Rose Mendoza, Madel Pablo, Joseph Christian Ramos, Farhana Tindick, at reservist Second Lt. Radia Sariddin (Res) sa AFP Medical Administrative Corps (MAC), ito ang ‘lead component’ sa pagbibigay ng medical at health services sa military personnel, dependents, at awtorisadong sibilyan.

Samantala, tinatayang may 125 appointees sa Philippine Army (PA), 56 appointees sa Philippine Navy (PN), at 22 appointees sa Philippine Air Force (PAF). Kris Jose

Previous articleMister patay sa bola
Next articleObrero arestado sa P.3M ‘bato’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here