Home NATIONWIDE 23 estudyante sinapian ng masamang espiritu sa Isabela

23 estudyante sinapian ng masamang espiritu sa Isabela

REINA MERCEDES, ISABELA-Hinihinalang sinapian ng masamang espirito ang dalawampu’t tatlong (23) estudyante ng Reina Mercedes National High School dito sa nasabing bayan.

Ayon kay Ginoong Jeffrey Ancheta, guro ng mga nasanibang estudyante, sinabi niya na nabigla sila sa pangyayari at ayon na sa iba pang mga estudyante na nakakita sa pangyayari na posibleng sinasapian na ang mga estudyante.

Una rito, magsisimula na sana ang 1st period ng kanilang klase pasado ala-una ng hapon nang mahimatay ang isang estudyante na agad dinala sa principal’s office dahil doon malamig, nang bigla umano itong magwala.

Agad niyang pinuntahan ang estudyante at nakita niya ang pagwawala nito na inilarawan niyang napakalakas nito dahil anim na tao ang pumipigil sa kanyang pagwawala.

Hanggang sa parami na ng parami ang mga estudyanteng mula sa magkakaibang grade level ang dinadala sa Principal’s office dahil sa pagwawala habang ang ilan ay umiiyak.

Batay umano sa pahayag ng isa sa mga sinapian ay nagalit sila sa mga estudyante dahil sila ay nabulabog.

Dahil dito, nagdala ng “atang” o alay ang mga magulang ng estudyante sa paaralan kung saan ito hinihinalang sinapian.

Kumpirmado mang sanib o hindi ang pangyayari ay nais ng pamunuan ng paaralan na maprotektahan ang kanilang mga estudyante kaya nagtawag sila ng pari o spiritual adviser matapos ang insidente.

Dahil dito, labis na ikinaalarma ng ilan estudyante sa naturang insidente. Rey Velasco

Previous articleHirit sa WHO: Hakbang na nagbabawal sa vape ibasura
Next article3 tiklo sa P1.1M shabu