Home NATIONWIDE 24/7 frontline service sa Kamara isinulong

24/7 frontline service sa Kamara isinulong

MANILA, Philippines- Isang panukalang batas ang inihain ni Agri Partylist Rep. Wilbert Lee na nagsusulong na magkaroon ng 24/7 Frontline Service System (FSS) ang House of Representatives para sa online queries, assistance at mas mahabang oras para sa face-to-face transactions.

“Ang serbisyo ng gobyerno wala dapat pinipiling oras, dapat 24/7,” pahayag ni Lee matapos ihain ang House Bill (HB) 10426 o “24/7 Frontline Government Services Act.”

Sinabi ni Lee na ang “Zero Contact Services” ay dapat bukas sa lahat ng mga Pilipino 24/7 at sa lahat ng may access sa internet.

Sa panukala ni Lee ay nais nitong ang frontline services at response team ay bukas mula Lunes hanggang Sabado mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi para sa mga face-to-face interactions.

“This measure will give people who are mostly working or studying during weekdays from 8 a.m. to 5 p.m. a chance to avail of government services without compromising their jobs or daily tasks,” wika ni Lee.

Ikinatwiran pa ng solon na ang kanyang panukala ay maihahalintulad din sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na na round the clock shipment processing sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC).

“With this continuous operation and government services, our productivity will increase, we will be able to help more of our countrymen. The Filipino people deserve better services. So we should demand better,” giit ni Lee. Gail Mendoza