Home METRO 24 baboy sa Cagayan patay sa ASF

24 baboy sa Cagayan patay sa ASF

MANILA, Philippines – Iniulat ng Provincial Veterinary Office (PVET) na 24 na baboy ang nasawi dahil sa African Swine Fever o ASF sa Lal-lo, Cagayan.

Ani Dr. Myka Ponce, PVET Veterinarian II, ang mga nasawing baboy ay mula sa Barangay Alaguia at pagmamay-ari ng dalawang hog raisers.

Agad na inilibing ang mga baboy at isinagawa ang malawakang disinfection sa lugar.

Nauna nang sinabi ng PVET na may walong baboy din ang nasawi sa Barangay Centro Norte, Alcala at apat na hog raisers ang apektado.

Namatayan din ng mga alagang baboy ang apat na babuyan sa Remus, Baggao.

Dahil dito, nagpaalala ang PVET sa mga magbababoy na agad na iulat sa kani-kanilang Municipal Agricultural Office, kung ang kanilang mga alaga ay may sintomas ng ASF, katulad ng biglaang pagkamatay ng mga alaga, kawalan ng ganang kumain at hindi makatayo. RNT/JGC

Previous articleBebot timbog sa P680K shabu sa Parañaque
Next articleTAPE umapela sa CA sa pagbaligtad ng desisyon pabor sa TVJ