Home HEALTH 24 gamot sa cancer, diabetes, tb exempted sa VAT

24 gamot sa cancer, diabetes, tb exempted sa VAT

MANILA, Philippines – NAGLABAS ng kautusan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa hindi pagsingil ng value-added tax (VAT) sa ilang gamot para sa cancer, diabetes, hypertension, sakit sa bato, sakit sa pag-iisip, at tuberculosis.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni BIR Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr. na naglabas ito ng Revenue Memorandum Circular No. 17-2024
na nag-eexempt sa 21 na gamot para sa iba’t ibang sakit mula sa VAT.

Sinabi ng ahensya na ang circular ay inilabas dahil sa liham mula sa Food and Drug Administration (FDA) ng Department of Health (DOH) na nag-endorso ng update sa listahan ng VAT-Exempt Products sa ilalim ng Republic Act No. 10963 o Tax Reform para sa Acceleration and Inclusion (TRAIN) law at RA 11534 o ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE).

“Updating the list of VAT-exempt medicines is part of Taxpayer Service. We will update taxpayers as soon as possible of exemptions given to them by existing laws,” ani Lumagui.

“Excellent Taxpayers Service will be the focus of BIR this 2024. This includes the issuance of circulars that would ease the financial burden of Filipinos that are suffering from the said diseases,” dagdag pa ni Lumagui.

Ayon pa sa opisyal, ang naturang hakbang ay handog nila sa Bagong Pilipinas na may serbisyong mabilis at maaasahan.

“Ito pong 21 na gamot na tinanggalan ng VAT ay simula pa lamang ng mga serbisyong aming ibibigay ngayong 2024,” ayon pa kay Lumagui. Jay Reyes

Previous articleNatutulog na sundalo ‘di na nagising sa sagasa ng trak
Next articleLalaking nakipaglamay, todas sa nakaaway