Home NATIONWIDE 246 LGUs pinuri ng DILG sa anti-illegal drugs drive

246 LGUs pinuri ng DILG sa anti-illegal drugs drive

MANILA, Philippines- Kinilala ng  Department of the Interior and Local Government (DILG)  ang 246 local government units para sa kanilang tagumpay sa pakikipaglaban kontra ilegal na droga sa kani-kanilang lugar.

Pinuri ni DILG Secretary Benhur Abalos ang awardees sa  isinagawang 2023 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Awards na idinaos sa  Crowne Plaza Manila Galleria sa Quezon City.

Ani Abalos, may 246  awardees ang pinili base sa kanilang Anti-Drug Abuse Council (ADAC) “functionality at sustainability” ng drug-free o drug-cleared status.

“They were also chosen based on percentage of completion rate of graduates versus enrollees at the Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP),” ayon kay Abalos.

Ang ADAC ay isang multi-sectoral council na responsable para sa pagbalangkas ng mga plano, at implementasyon ng mga local anti-drug abuse program, proyekto at aktibidad sa isang partikular na lokalidad.

Ang konseho ay uupuan ng  local chief executives mula sa  provincial, city at municipal levels.

Idagdag pa sa ADAC Performance Awards, bibigyan ng espesyal na pagkilala ang LGUs para sa kanilang “outstanding efforts” sa pagpapatupad ng epektibong drug rehabilitation programs at inisyatiba sa kanilang komunidad sa ilalim ng  CBDRP.

Ang tema para sa awarding ceremony ay “Bayang Pinag-isa ng Diwa Laban sa Ilegal na Droga,” alinsunod sa naging panawagan ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. para sa bansa na magkaisa laban sa banta ng ilegal na droga.

Taong 2018, ang DILG at ang Dangerous Drugs Board (DDB) ay nagpalabas ng Joint Memorandum Circular No. 2018-01 na naglalaman ng anim na indicators sa pagdetermina ng magiging layunin ng ADACs.

Nagpalabas din ang DILG ng  Memorandum Circular 2021-062  na nagsasaad ng “guidelines, indicators, at awarding criteria” para sa pagsasagawa ng audit year 2022. Kris Jose

Previous articleOil spill mula sa lumubog na Vietnamese vessel sa Palawan namataan
Next articlePsychosocial responders idineploy para sa mga biktima ng lindol