Home NATIONWIDE 25 pang OFWs galing Israel balik-Pinas ngayong Lunes

25 pang OFWs galing Israel balik-Pinas ngayong Lunes

MANILA, Philippines- Inaasahang uuwi sa Pilipinas ang ikatlong batch ng mga Pilipino mula sa Israel ngayong Lunes.

Darating ang 25 Pilipino sakay ng Etihad Airways dakong alas-3 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, ayon sa Department of Foreign Affairs Secretary.

Umuwi sa bansa ang unang batch repatriates, kinabibilangan ng 15 caregivers, isang hotel worker, at isang sanggol, noong Oktubre 18, sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israel at ng Palestinian militant group Hamas.

Noong October 20, 18 indibidwal pa na kinabibilangan ng 14 caregivers at apat na hotel employees ang napauwi.

Alok sa kanila ang repatriation assistance package na tig-P50,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya at tulungan sila na makabalik sa kanilang normal na pamumuhay. RNT/SA

Previous articleBulkang Bulusan nag-alboroto!
Next article‘Full alert’ ikakasa ng PNP sa BSKE ‘gang Undas 2023