Home NATIONWIDE 25 patay sa rambulan sa women’s prison sa Honduras

25 patay sa rambulan sa women’s prison sa Honduras

TEGUCIGALPA, Honduras – Nadiskubre ng mga awtoridad sa Honduras ang bangkay ng 25 katao sa women’s prison sa nasabing bansa.

Ang ulat na ito ay kasunod ng naganap na riot sa nasabing lugar.

Sinusubukan na ng mga awtoridad na tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga bangkay, ayon kay
spokesperson Yuri Mora.

Sa ulat sa media, sumiklab umano ang riot sa
Centro Femenino de Adaptación Social (CEFAS) prison, isang women’s penitentiary 20 kilometro ang layo mula sa kabiserang Tegucigalpa. RNT/JGC

Previous article5 binatilyo huli sa ninakaw na kotse
Next articleCollapse sa MUP fund magdudulot ng problema sa security sector – Salceda