Home METRO 250 pamilya nawalan ng tirahan sa demolisyon sa Sta. Ana

250 pamilya nawalan ng tirahan sa demolisyon sa Sta. Ana

(c) RepublicAsia

MANILA, Philippines – Nawalan ng masisilungan ang 250 pamilya sa Sta.Ana Maynila matapos gibain ang kanilang bahay nitong Biyernes, Enero 12.

Dalawang Barangay ang apektado ng demolisyon– ang 877 at 878 kung saan maging emosyonal ang mga residente habang pinapanood ang paggiba ng demolition team sa kanilang bahay sa Paco Roman Street at Syquia Street.

Noong Enero 11, nagkaroon ng tensyon sa lugar nang maglagay ang mga residente ng barikada upang pigilan ang demolition team na sirain ang kanilang bahay.

Ayon sa awtoridad, ang mga tinayuan ng mga bahay ay pribadong pag-aari at naglabas na ang Korte Suprema ng final order para sa pagtanggal sa mga nakatayong istraktura.

Bibigyan umano ng may-ari ng property ng cash assistance angga apektadong pamilya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous article‘Damo’ nasinghot ng K9 sa pasahero
Next article5% premium rate hike tuloy ngayong 2024 – PhilHealth