Home NATIONWIDE 2,500 titulo ng lupa ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng agrarian reform sa...

2,500 titulo ng lupa ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng agrarian reform sa Davao City

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamimigay ng 2,529 land titles sa 2,672 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Davao City at mga lalawigan ng Davao del Sur, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro at Davao Oriental.

“Ang pamimigay ng titulo sa ating mga magsasaka ay unang hakbang lamang sa pagkamit ng kanilang kalayaan sa kahirapan,” ayon kay Pangulong Marcos a kanyang naging talumpati sa pamamahagi ng land titles ng Rizal Memorial Colleges Gym sa Davao City.

Idinagdag pa ng Pangulo na ito ang magandang panimula para sa taong 2024.

Binigyang-diin ng Chief Executive na ang kalayaan ng mga magsasaka mula sa pagkagutom at kahirapan ay hindi matatamo sa pamamagitan lamang ng distribusyon ng land titles, dahilan para ang administrasyon ang magbigay ng lahat ng government assistance at services na nararapat para sa mga ito.

Winika pa niya na ang gobyerno ay namahagi rin ng “seedlings, fertilizers at Iba pang equipment.”

“Kailangan din ng mga karagdagang imprastraktura, kung kaya naman nagpapagawa rin tayo ng mga bodega at kalsadang malalapit sa [mga] sakahan sa pamilihan. Para hindi tayo— hindi kayo nahihirapan na dalhin ang inyong ani mula sa pinagsasakahan ninyo hanggang doon sa palengke, para mababa pati ang presyo, mas malaki ang kikitain ng ating magsasaka,” ayon sa Pangulo.

“Tulungan natin silang makaahon sa kahirapan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng mga makabagong pamamaraan, mula sa pag-aararo, pagtatanim, pag-aani hanggang sa pagbebenta sa merkado,” dagdag na pahayag nito.

Tinuran ng Chief Executive na masaya siya na maging bahagi ng distribusyon ng land titles sa pangunguna ng Department of Agrarian Reform (DAR), binigyang-diin nito na ang mga magsasaka ay mayroong “special place” sa kanyang puso.

Aniya, minana niya ang kanyang pagmamahal para sa mga magsasaka mula sa kanyang namayapang ama, dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na nilagdaan ang Presidential Decree No. 27, pinalaya ang lahat ng tenant farmers na nagtatrabaho sa pribadong lupain.

“Kaya’t [ipinagmamalaki] ko na minana ko ang pagmamahal at pagpapahalaga ng aking ama sa ating mga magsasaka. Kaya naman, mahirap ko mang makita, nadudurog po ng puso na makita na hanggang ngayon, ang pinakamahirap sa ating bansa ay ang mga magsasaka,” aniya pa rin.

Nilagdaan naman ni Pangulong Marcos ang New Agrarian Emancipation Act, napakinabangan ng 610,054 magsasaka ng Filipino na nagbubungkal ng mahigit sa 1.7 million ektarya ng land agrarian reform lands, nagawa nito na maging debt-free mula sa P57.65 billion ng agrarian arrears.

Tinuran pa ng Pangulo na namahagi ang DAR ng mahigit sa 90,000 land titles noong 2023, na sinasabing 40,000 na mas mataas kaysa sa 50,000 na target.

“Umaasa ako na dadami o dodoble pa sa taon ng 2024,” aniya pa rin.

Bago pa magtapos ang kanyang talumpati,, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga mamamayang Filipino na makiisa sa pamahalaan na gawing ang makakaya para paghusayin ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas at tupdin ang maunlad na hinaharap habang pinasalamatan naman niya ang mga Davaoeños para sa kanilang suporta sa gobyerno. Kris Jose

Previous articleMisis itinumba ng asawang pulis
Next articleDND chief nais ng heightened military presence sa Batanes