Home NATIONWIDE 260K PWDs nabenepisyuhan ng ‘cash-for-work’ program – DSWD

260K PWDs nabenepisyuhan ng ‘cash-for-work’ program – DSWD

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Biyernes na halos 260,000 persons with disabilities (PWDs) ang natulungan ng Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay-Cash-For-Work (KKB-CFW) Program nito.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, nilalayon ng CFW na bigyan ng pansamantalang trabaho ang PWDs o kani-kanilang mga kapamilya.

“The CFW aims to provide short-term intervention by giving temporary employment to persons with disabilities and low income or no income families with members who have disabilities,” wika ni Lopez.

“The DSWD has released more than Php957 million to cover the cash aid of the CFW beneficiaries in exchange for the community work or service that they have rendered,” dagdag niya.

Sa CFW program, magtatrabaho ang mga benepisyaryo sa loob ng anim hanggang 10 araw, at babayaran ng kaukulang daily wage batay sa 2022 regional daily wage ng kanilang rehiyon.

Kabilang sa mga tungkulin ng CFW beneficiaries ang paglilinis ng kanilang komunidad, pagtatanim ng puno, coastal cleanup activities, at iba pa. RNT/SA

Previous article#WalangKuryente sa Rizal, Bulacan, Laguna, QC sa Jan 21-24
Next articleMenor-de-edad na suspek sa pagpaslang sa dentista sa Calapan City sumuko na