Home METRO 263 pamilya sa kalsada magba-bagong taon sa sunog na sumiklab sa Zambo

263 pamilya sa kalsada magba-bagong taon sa sunog na sumiklab sa Zambo

Photo credits: Gel Korlan/ BFP

ZAMBOANGA CITY – Nasa 263 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumupok sa mahigit 200 bahay sa Barangay Tugbungan, lungsod na ito, nitong Miyerkules, Disyembre 27.

Sinabi ni Zamboanga District Fire Marshall Supt. Christopher Morales na umabot sa P1.5 milyon ang tinatayang pinsala sa ari-arian.

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga saksi.

Sinabi ng City Social Welfare and Development Office na 1,016 na indibidwal ang nananatili sa Tugbungan Elementary School dito matapos masunog ang kanilang mga bahay na karamihan ay gawa sa light materials.

Nagbigay ng tulong ang pamahalaang lungsod tulad ng mga portalet, tangke ng tubig, kutson, kumot, at mga pagkain sa kanila.

Pansamantalang patutuluyin sa paaralan ang mga nasunugan at ililipat sa isang evacuation center sa Barangay Cabatangan dito sa loob ng wala pang isang linggo.  RNT

Previous articleEksperto kay PBBM: ‘Extended continental shelf’ ng WPS isampa sa UN
Next articleLolo tigok sa tandem