Home METRO 27.5K sa 42K barangay sa bansa ‘drug cleared’ na

27.5K sa 42K barangay sa bansa ‘drug cleared’ na

MANILA, Philippines – Mahigit 27,000 barangay sa buong bansa ang idineklara nang ‘drug cleared’ mula nang magsimula ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Biyernes, Agosto 25, 27,553 sa 42,045 barangay ang idineklarang ‘drug cleared’ hanggang nitong Hulyo 31 habang 7,975 ang patuloy na nililinis ng mga awtoridad.

Naabot na ng mga barangay na ito ang drug-cleared status makaraang maglabas ng certification ang miyembro ng oversight committee sa barangay drug-clearing program

Sa pinakahuling datos ng PDEA, 57,474 ang inaresto sa 41,587 anti-illegal drugs operations mula Hulyo 1, 2022 hanggang Hulyo 31 ngayong taon.

Nasa 622 drug dens din ang binuwag at isang clandestine shabu laboratory ang naipasara.

Nasa kabuuang P23.23 bilyon din na halaga ng illegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad. RNT/JGC

Previous articlePH resolution sa pagdedeklara ng World Basketball Day sa Dec. 21 suportado ng UNGA member countries!
Next articlePolitikong susuporta sa Cha-cha, dapat iboto sa 2025 poll – Padilla