Home METRO 27 Chinese nationals na sangkot sa Pasay POGO raid, kinasuhan ng DOJ

27 Chinese nationals na sangkot sa Pasay POGO raid, kinasuhan ng DOJ

141
0

MANILA, Philippines- Naghain ng reklamo ang mga awtoridad laban sa 27 Chinese nationals na nahuli kasunod ng pagsalakay nitong buwan sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Pasay City.

“The Chinese nationals who were subjected to inquest were all charged with violation of the Securities Regulation Code,” ani Department of Justice (DOJ) Undersecretary Nicholas Ty sa isang briefing nitong Biyernes.

Sinabi ng departamento na  natukoy nito ang aksyon ng Chinese nationals at kanilang POGO firm Rivendell fall “within the purview of recharging and tasking scams.”

Base sa DOJ, target ng tasking scams ang mga naghahanap ng online job opportunities sa pamamagitan ng pag-aalok ng bayad para sa task completion, habang sa recharging scams, nagsasagwa ng unauthorized mobile o online payments para sa mga serbisyong hindi naide-deliver.

Ayon pa sa mga awtoridad, ginamit ng Rivendell ang website at online platforms nito upang patakbuhin ang modus, base sa DOJ.

“The respondents portrayed themselves as investors or ‘guide/helpers’ to entice clients into making investments in stocks and cryptocurrency, promising lucrative returns. Additionally, they introduced investment opportunities in their gaming application, where deposited funds were claimed to yield specific returns based on the investment amount,” dagdag nito.

Sinabi pa ng departamento na ang kompanya ay sangkot sa pagbebenta ng stocks and securities nang walang wastong rehistrasyon.

Samantala, sinabi ni Ty na iniimbestigahan pa ang mga Pilipinong nadakip sa raid.

“The Filipinos who were initially charged with cybercrime, they were referred for further investigation, so they were able to go home to their families but pending continuation of the investigation,” paliwanag niya. RNT/SA

Previous article5-year national security policy oks na kay PBBM
Next articleBiktima ng Bagyong Egay sa mga bayan ng Cagayan, inayudahan ni Bong Go

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here