Home NATIONWIDE 27 dayuhang biktima ng trafficking pinauwi na sa Vietnam

27 dayuhang biktima ng trafficking pinauwi na sa Vietnam

MANILA, Philippines- Ipinatapon na pabalik ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang bansa ang nasa 27 Vietnamese nationals na nailigtas mula sa human trafficking noong Oktubre.

Nabatid na ang mga Vietnamese national ay kabilang sa 34 dayuhang naharang ng mga awtoridad ng Pilipinas noong Oktubre 31 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Nabatid sa isinagawang imbestigasyon na ibebenta sana ang mga dayuhan sa isang kompanya ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Cebu.

Sa kabuuang bilang, 31 ay Vietnamese nationals habang tatlo ay Chinese. Pawang empleyado sila ng isang kompanya ng POGO sa Parañaque City.

Nailigtas ang mga dayuhan matapos humingi ng atensyon sa awtoridad ang isa sa kanila. Arestado ang isang Chinese national, na pinaniniwalaang amo, at isang Malaysian. JAY Reyes

Previous articleMoratorium sa PESONet, InstaPay fee increases pinalawig
Next articleTaguinota may tatlong ginto na sa Batang Pinoy