Home HOME BANNER STORY 27,514 kandidato walang kalaban sa BSKE 2023

27,514 kandidato walang kalaban sa BSKE 2023

MANILA, Philippines – Kabuuang 27,514 barangays ang walang kalabang kandidato para sa ilang puwesto sa Oct. 30 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Nitong Sept. 21, ipinakita sa datos ng Commission on Elections (Comelec) na 7,226 barangays na walang kalabang kandidato para sa Barangay captain.

Samantala, 1,611 barangays nationwide ang may kandidato na tumatakbo na walang kalaban para sa Sangguniang Kabataan.

Ipinakita rin sa datos ng Comelec na 8,057 barangays ang may kandidatong walang kalaban para sa SK chairperson.

Dagdag pa na ang mga kandidato mula 10,620 barangays ay may solo flight para sa SK membership.

Para sa apat na posisyon sa BSKE na iboboto ng publiko, ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang may pinakamaraming bilang ng mga barangay na walang kalaban na kandidato: 1,200 para sa barangay kapitan; 1,021, para sa miyembro ng Sangguniang Barangay; 8,057 para sa SK chairman; at 1,714 para sa SK member.

Sa kabilang banda, mayroong 675 barangay na walang kandidatong tumatakbo bilang barangay captain, SK chairperson, at SK member.

Sa walong barangay na walang kandidato para sa barangay captain post, anim ang nasa BARMM; at tig-isa sa Central Visayas at Zamboanga Peninsula.

Samantala, mayroong 124 barangays ang walang kandidato na tumatakbo para sa SK chairperson .Karamihan ay BARMM na may 31 barangays.

Ipinapakita rin ng datos ang 543 barangay na walang kandidato para sa SK membership.

Ang Bangasamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang may pinakamaraming barangay na walang SK member candidates sa 192, sinundan ng Cordillera Administrative Region na may 156 barangay.

Gayunman, sinabi ng Comelec na ang mga numero ay maaaring magbago “dahil sa patuloy na pag-update mula sa mga field office, bilang resulta ng pag-withdraw ng kandidato at pagwawasto ng mga entry.” (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleKumalat sa socmed na AI magche-check sa Bar Exam pinabulaanan ng SC
Next articleKaso vs jail at police officers sa Nasino case, ibinasura ng Ombudsman