Home NATIONWIDE 28 Chinese warplanes namataan sa paligid ng Taiwan

28 Chinese warplanes namataan sa paligid ng Taiwan

675
0

TAIWAN – Namataan ng Taiwan ang nasa 28 warplanes ng China na pinalipad sa paligid ng nasabing bansa, karamihanay tumawid pa sa median line sa Taiwan Strait sa unspecified “long range” missions.

Sinabi ng defense ministry ng Taiwan na 20 sa mga eroplanong namataan mula Linggo ng umaga, Setyembre 17 ay tumawid sa median line ng dagat na naghihiwalay sa Taiwan at mainland China, at pumasok sa self-ruled island sa southeast at southwest air defense identification zone.

Nagsasagawa ang China ng “missions such as long range exercises and training”, sinabi ng defense ministry sa pahayag.

Patuloy naman na minomonitor ang sitwasyon kasama ang patrol aircraft at mga barko.

Matatandaan na nitong Miyerkules hanggang Huwebes ay namataan din ang 68 Chinese aircraft at 10 naval vessels sa paligid ng Taiwan.

Ang ilan sa mga eroplanong ito ay patungo sa “unspecified area” sa Western Pacific, “to conduct joint sea and air training” kasama ang Shandong aircraft carrier ng China.

Ang Shandong, isa sa dalawang operational aircraft carriers sa Chinese fleet, ay namataan 110 kilometro timog-silangan ng Taiwan.

Wala pang komento ang China patungkol sa alinmang drill na isinasagawa sa Western Pacific. RNT/JGC

Previous articlePNP nagsagawa ng surprise drug testing sa top police officials
Next articlePatay sa Libya pumalo na sa 11.3K

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here