Home METRO 28 pamilya nawalan ng bahay sa pagguho ng lupa sa Nueva Ecija

28 pamilya nawalan ng bahay sa pagguho ng lupa sa Nueva Ecija

248
0

NUEVA ECIJA- INILIKAS ang 28 pamilya matapos gumuho ang lupang kinatitirikan ng mga tirahan ng mga ito, Linggo ng umaga, Hulyo 30 sa bayan ng San Leonardo.

Ayon kay Zenaida Gutierrez, kalihim ng Barangay Tambo, San Leonardo, bandang 4:00 AM naramdaman nila ang unti-unting pagguho ng lupa.

Pagsapit ng alas-8:00 ng umaga ay tuluyan nang bumagsak ang lupa kasama ang 25 kabahayan at masuwerte naman na walang naitalang nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.

Sa ngayon, pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center ang 108 indibidwal na nawalan ng tahanan at hindi na muna sila pinapayagan bumalik habang hindi tiyak ang kanilang kaligtasan. Mary Anne Sapico

Previous articlePagtigil ng bilateral talks sa China, ihahain sa resolusyon ni Zubiri
Next articlePampanga inilagay na sa state of calamity

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here