MANILA, Philippines- Mula sa 559 na kumuha ng licensure examination ngayong Agosto 2023 para sa guidance counselors, sinabi ng Professional Regulation Commission (PRC) na 295 ang nakapasa.
Nakakuha ng average na 90.90 percent si Justine Grace Ramos Loteria mula sa Asian Theological Seminary (ATS) sa Quezon City sa board exam na isinagawa noong Agosto 16 at 17.
Sinundan ito ni Alyzza Louize Valenzuela Malibiran na may 88.40 percent mula Philippine Normal University (PNU) Manila at Christian Howell Levardo Gerez mula De La Salle University (DLSU) sa Dasmarinas na nakakuha ng 88.20 percent average.
Isinagawa ang pagsusulit sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Koronadal, Lucena, at Rosales.
Ang board exam ay pinangasiwaan ng Board of Guidance and Counseling sa pamumuno ng chairman nitong si Elena V. Morada, at mga miyembrong sina Elena V. Morada at Carmelita P. Pabiton.
Samantala, ang mga pumasa ay maaaring magparehistro online para sa kanilang Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration sa Oktubre 11 hanggang 13.
Idinagdag ng PRC na maaaring tingnan ng mga board passers ang mga tagubilin para sa paunang pagpaparehistro sa www.prc.gov.ph. Jocelyn Tabangcura-Domenden