
MANILA, Philippines – Binisita ni Senadora Imee R. Marcos ang Pateros at Taguig City upang mamahagi ng tulong-pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Payout ngayong Martes, September 19.

Isanlibong residente ng Pateros ang nakatanggap ng ₱3,000 cash assistance para sa kanilang mga pamilya.
Sa Taguig City, dalawang libong (2,000) solo parents ng Taguig City ang nabahaginan din ng ₱3,000 bawat isa mula sa programang AICS ng ahensya ng DSWD.
