Home NATIONWIDE $2M pabuya sa pagkakaaresto kay Quiboloy, itinanggi ng FBI

$2M pabuya sa pagkakaaresto kay Quiboloy, itinanggi ng FBI

UNITED STATES – Itinanggi ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang bali-balita na naglaan ng $2 milyon pabuya para sa ikaaaresto ni Apollo Quiboloy, ang lider ng Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy, kasama ang dalawa niyang associates na kasalukuyang wanted sa Estados Unidos dahil sa ilang kaso.

Sinabi ni FBI Public Affairs Specialist Laura Eimiller na hindi niya alam na mayroong ganitong pabuya para kay Quiboloy at dalawa niyang kasamahan na sina Teresita Dandan at Helen Panilag.

“There is an active arrest warrant for Mr. Quiboloy but I’m unaware of a reward offer,” ani Eimiller sa panayam ng GMA News.

Nauna nang ini-reschedule ang pagdinig ng Los Angeles court sa mga kaso ng conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud, at coercion, sex trafficking ng mga bata, conspiracy, at bulk cash smuggling laban kay Quiboloy at mga kasabwat.

Nakatakda sana ang pagdinig noong Marso 19, 2024.

Sa audio message na inilabas sa Facebook, sinabi ni Quiboloy na nalaman niya mula sa isang “reliable source” na nag-aalok ang US government ng $2 milyon na pabuya para sa kanyang pagkakaaresto. RNT/JGC

Previous articleArchipelagic Sea Lanes Bill aprub sa Senate maritime committee
Next articleObiena sumungkit ng gold sa Croatia