Home HOME BANNER STORY 3.5K sa 21K MT ng sibuyas, dumating na sa bansa – DA

3.5K sa 21K MT ng sibuyas, dumating na sa bansa – DA

122
0

MANILA, Philippines – Nasa mahigit 3,500 metriko tonelada pa lamang ng inaprubahang 21,000 metric tons ng sibuyas na inangkat, ang dumating na sa bansa.

Matatandaan na nitong Enero ay inaprubahan ng Department of Agriculture ang importation sa 21,060 metric tons ng sibuyas upang punan ang supply gap at patuloy na paglobo sa presyo nito sa mga pamilihan.

Nasa 3,960 metric tons ng fresh yellow onion ang inaprubahan ng DA habang nasa 17,100 metric tons naman ng fresh red onions ang kasama rito.

Binigyan naman ng hanggang Enero 27 ang mga licensed importer para ihatid ang mga kargamento sa bansa.

Sa kabila nito, sinabi ni DA Assistant Secretary at deputy spokesperson Rex Estoperez sa panayam ng DZBB nitong Sabado, Pebrero 4, na nasa 5,000 metric tons lamang ng sibuyas ang nai-apply sa importation sa import application window period.

“Ang dumating sa ating first border control ay 3,500 (metric tons) lamang,” aniya.

Nauna nang nagpatawag ng pagpupulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umuupo bilang DA secretary, para makipag-dayalogo sa mga stakeholders sa isyu ng mahal na presyo ng sibuyas sa mga pamilihan. RNT/JGC

Previous articleHotsilog, kinalas pasok sa ‘worst dishes in the world’
Next articleMandatory ROTC kaysa TikTok – Bato