MANILA, Philippines – Umakyat na sa 3,696 ang bilang ng mga pamilyang apektado ng magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Sarangani, Davao Occidental noong Nobyembre 17, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes, Nobyembre 21.
Sa pinakahuling bulletin, sinabi ng NDRRMC na nasa kabuuang 16,293 katao na naninirahan sa 51 barangay sa Davao at Soccsksargen regions ang apektado.
Wala namang evacuation center na ginagamit sa ngayon.
Nasa kabuuang 1,544 tirahan naman sa dalawang rehiyon ang naiulat na napinsala ng lindol. RNT/JGC