Home METRO 3-anyos sa Cotabato patay matapos mahulog sa lutuan ng uling!

3-anyos sa Cotabato patay matapos mahulog sa lutuan ng uling!

284
0

COTABATO – Nasawi ang isang tatlong taong gulang na bata, na aksidenteng nahulog sa lutuan ng nagbabagang mga uling.

Nasunog ang halos kalahati ng katawan ng bata kaya kinailangang putulin ng mga doktor ang kanang binti. Nanatili ang bata sa ospital ng ilang araw upang sumailalim sa paggamot.

Noong Hulyo 11 pa nangyari ang aksidente at matapos ang halos isang buwan sa ospital ay namatay ang bata noong Linggo dahil sa impeksyon.

“Sana ako na lang ang nahulog dun sa uling. Sana hindi na lang siya sir,” hikaos ng ina ng bata.

Hindi na sinisingil ng mga doktor ang pamilya ng bata para sa kanilang serbisyo.

Pero nasa P180,000 ang mga bayarin sa ospital kaya naman nananawagan ang pamilya para sa tulong para mailabas ang labi ng bata. RNT

Previous article13-anyos hinigop ng sapa, dedbol!
Next articleLalaking lasing nalunod sa ‘gang hitang baha

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here