Home NATIONWIDE 3 arestado sa illegal mining

3 arestado sa illegal mining

MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal na sangkot sa illegal mining activities sa Barangay Tayabas, Paracale, Camarines Norte.

Ayon sa NBI, nagsagawa ang kanilang Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ng follow – up implementation ng Cease-and-Desist Order ng mining activities sa Barangay Tayabas, Paracele, Camarines Norte na nagresulta sa pag-aresto sa tatlong katao.

Kinilala ang mga naaresto na sina Rachel Armillos, Bobby Loyola, at Judy Deauna na nahaharap sa paglabag sa Philippine Mining Act of 1995 at Reform Forestry Code of the Philippines.

Sinabi ni NBI Director Jaime B. Santiago na ang mga naarestong suspek ay nahuli sa akto na nagsasagawa ng illegal mining activity sa lugar.

Ayon pa kay Santiago, ang operasyon ay nagresulta rin ng pagkumpiska sa ilang mining equipment na natagpuan sa lugar.

Pinapurihan din ni Santiago ang mga operatiba ng NBI-EnCD para sa nasabing tagumpay at idiniin na ang NBI ay magpapatuloy sa walang humpay na pagsisikap laban sa iligal na pagmimina at lahat ng uri ng krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden