Home METRO 3 batang lalaki naputukan sa E. Visayas

3 batang lalaki naputukan sa E. Visayas

VISAYAS – Kabilang ang tatlong batang lalaki sa apat na naitalang kaso ng fireworks -related injuries (FWRI) sa Eastern Visayas sa week-long monitoring ng Department of Health (DOH) kaugnay sa mga napuputokan ngayong holiday season.

Ang mga biktima ay 8 taong gulang mula sa Palo, Leyte; 6 na taong gulang mula Taft,Eastern Samar; at 24 taong gulang mula Borongan City ,Eastern Samar.

Ang tatlo ay nagtamo ng head at eye injuries mula sa pagsindi ng “lantaka,” o portable cannon.

Ginagamit kadalasan ang “Lantaka” tuwing magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon bilang pampaingay.

Ang ika-apat na biktima ay isang 11 taong gulang mula Paranas, Samar na nagtamo ng injury sa kamay dahil sa pagsindi ng 5-star na isa sa ipinagbabawal ng gobyerno.

“To celebrate a safe and healthy holiday season, we continue to encourage the public to practice and follow healthy habits such as ‘Iwas Paputok,’ ‘Healthy Handaan’, and ‘Healthy Celebration’,” sabi ni DOH Regional Information Officer Jelyn Lopez-Malibago .

Hinimok din ng opisyal ng DOH ang publiko na maghanap ng alternatibong paraan upang makagawa ng malakas na ingay gaya nang paggamit ng trumpeta, busina, musika at lata. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleParak nagpanggap na bibili ng droga, natunugan, patay sa durugista
Next articleSarah, binansagang ‘Tuyot Queen’!